Kabataang NNSF na itinadhana ng kapalaran,
Na magkita, magkasundo, at maging magkaibigan,
Nakabuo mula noon at magpa hanggang ngayon
Ng walang kapantay na samahan.
Kakaibang kabataan, iba’t-ibang kaanyuan,
Iba’t-ibang kahinaan at mga kalakasan,
Ngunit pinagsama ang mga puso’t isipan,
Upang makabuo ng pambihirang pagkakaibigan.
Sa mga oras na lumipas, sa mga panahong nagdaan,
Maraming kasiyahan at mga karanasang nasaksihan..
Mga pagsubok na hinamon ang ating samahan
Mga pagsubok na sinukat ang pagkakaibigan.
Mga kalungkutang ating pinagsaluhan,
Mga ala-alang binabalik-balikan,
Masakit man sa iba ang biro ng tadhana,
Magkaiba man ang guhit ng ating kapalaran.
Sa mga tawanan…halakhakan…
Kulitan…at biruan… kahit magharutan dyan…
Sabay-sabay natin itong iiyakan at tatawanan
Dahil naka tatak na sa ating mga puso’t isipan.
Ang ating samahang walang katapusan,
Ang pagkakaibigang walang hangganan,
Mga damayang walang sukatan,
At pangakong walang iwanan!
Ganyan kami sa NNSF Batch ’02… ASTIG!!

No comments:
Post a Comment